A 10-minute free writing exercise
Theme: Humility
sa walang hanggang distansya
sa pagitan ng mga baybayin
tintigan kita
at pinanood.
na baka sa pagbulong sa pangalan mo ay
mahawi ang dagat at magsara ang lupa
ngunit umatras ako,
maaligasgas pala ang puting buhangin
siguro nga mali ako.
siguro hindi ko matatanaw ang iyong mukha
sa likod ng mga alapaap,
tulad ng mga matang
kumikislap.
tulad ng tala sa langit.
siguro nga,
hindi na kita makikita.
Habang natutuwa sa mga kulay na dala ng bukang-liwayway
Wala pa tayong pahinga, nugnit ika’y walang pakialam.
Sa iyong hitsura habang hinihintay ang pagskiat ng haring araw.
Parang wala lang sa iyo ang nangyari kahapon.
Na tila para sa akin ay nakakakirot ng loob
Pinanindigan mo ang para sa iyo ay tama,
Pinanindigan mo na hindi yumuyurak sa nararamdaman nila.
Pinaglaban mo ang bagay na may ngiti pa sa mga labi.
come stepping with padded footfalls
gently, in their moving gaze
gently, in their offered palms
gently, these doldrums cascade
semiotics play its part
like a maternal visitor
stretch your limbs
bowstrings
you come
unbidden arrival
the fairfolk
bid you adieu
amazement
familiarity
meekly you have
intented the earth
the sky
you ree
hearth,
the warm
wooden
embrace
that you
so foolishly
forget
ensure
back to square 1
granite metal stale air
caged noise
death
approval
denial
circumnavigation of the listless
you gaze in hopefully
in sentiment
that you can come back
like the joyons child
to the simple staccato
mythm of the living
Lazarus, you have come back
Aenas, you have come home
weary,
deliberately soft
come back
Ang bawat letrang isinulat
Nagbuo ng mga salita,
Pinagtabi-tabi’y naging pangungusap,
Inilimbag at binasa.
Ginamit,
Sariling wikia,
Karanasan,
Ngunit tinago ang ngalan
Manunulat,
Nagtatangka,
Nangangarap,
Lumalaban.
Nagmamataas.
Hindi maaabot,
nag-iisa sa tuktok,
pinanghahawakan
mahigpit
posisyon,
itinataboy
nangangarap,
humihiling sa mga tala,
umaakyat sa bundok,
ngunit bakit?
Hindi ba’t minsan
ring nangarap,
tinanaw ang kaitaasan?
Sa paghawak
ay nakakasakal,
naigagapos
sa pangarap.
Nang maabot, namuhay na
para pangalagaan
kayamanan,
nakaligtaan
pinanggalingan,
kung saan lilingon.
Akala’y hinahawakan,
ngunit sa katunayan ay binibitawan,
dumudulas sa palad
habang humihigpit
ikaw,
pangarap na natupad
babalik
sa pagiging pangarap.
Pumanhik para sa ‘yo,
ikaw naman ay papanaog,
hindi na maaabot
baka malaglag sa bangin.
Dito na lang sa taas,
nag-iisa,
tinatanaw,
ikaw.
Carlo, at sa iba pang katulad mo:
Ipinila ko na ang mga baso at plato, isiniksik ang
mga mumo, mga tira-tira ng inyong hapunan sa drainage
ng lababo. Itinabi ang mga boteng iniwan niyo
na parang isinabog na pick-up sticks sa hapag –
Pinunasan ko na rin ang suka ninyo, at ang natapon
na juice na ginawa niyong chaser.
Nakita ko kung paano mo siya hinalikan habang
natutulog. At nagkunwaring dala lamang ng mga
panaginip ang pagyakap at pagsalat sa
loob ng kanyang pantalon. Kinabukasan, sinabi
mong mahal mo siya.
Mahal kita. Ngunit ang pagmamahal na ito ay
paglilinis ng mga naiwang kalat mula sa gabing
kinalimutan mo ang lahat maliban sa batayang
instinct ng iyong pagkatao.
Pagngiti, pagsimangot. Ilang kalamnam ba ang
magagamit sa paglingon sa kabilang panig? Ilan
sa pagtalikod?
Nagmamahal,
Paolo